Wentong Walang Wenta

November 22, 2009

PUTING BUHOK

Filed under: Uncategorized — lolasufing @ 3:09 am
Tags: , , , , , , , ,

Panic ba o reyalisasyon?  Di alam ng lola kung ano ang nadama pagharap sa salamin at lumantad ang mga puting buhok.  Bigla napatanong ng bakit.  At parang komersyal ng safeguard soap, nagsisagot ang pagkarami-raming kunsensya (teka, dalawa lang dapat sila di ba? hmm…. ).  At eto ang mga comments ng mga nagsipagsalita …

1)  MATANDA KA NA LOLA SUFING

Ngeh, obvious ba?  Sa dami ng sumasakit na parte ng katawan ko, di ko na kailangan pang makita ang mga puting buhok para maalala ko yan, sigh.  Kaya nga lola na ako di ba?  hayyy…

2)  DI KA NA HEALTHY LOLA SUFING

Yeah, yeah, tell me about it.  Unang taon ko pa lang dito sa Amerika e napro-project ko na ang aking health deterioration.  Bakit?  

(a) Walang exercise dito, ke sadya o di sinasadya (well, i mean the exercise i want, hehe).  Una, walang naglalakad dito, er, meron din – sa malls, hehe.  So compared sa paglalakad ko sa Baguio noon, walang ganun dito dahil super sasakyan-addict mga tao dito.  Biruin mo, tipong four blocks away lang ang grocery store sa amin, ayaw pang lakarin.  Bakit ulit?  Either dyahi (baka akalain ala kang car, urgh) or tamad (kaya kami puro overweight dito) or kse kultura (ayaw mong pinagtitinginan ka kse madalang nga ang naglalakad sa kalye, di uso) or kse takot (daming krimen dito noh!  at isa sa mga paborito ang abduction cases) yay, kakatakot!  Pangalawa, yun nga, ayoko ng exercises nila.  Bakit ulit?  E gym-style kse as in puro treadmill, cyclical, and weights, ngeh!  Tapos ala silang taebo, at ang taekwondo ay pambata lang, walang pang-isip batang tulad ko, sigh.  At eto pa – willing na nga akong i-admit na damatan na’ko at ok na lang din ang tai-chi, kaso kahit tai-chi, ala pa din!  Anak ng tinapa!  :(   At pangatlo, missed ko na ang di sinasadyang ehersisyo tulad ng paglalakad sa Baguio mula Abanao hanggang SM.  Dito ko lang na-realize healthy-living pala ako sa Baguio noon kahit polluted na ang hangin :) .  Imagine mo ang benefits ng paglalakad mo papunta sa SM pag may bibilhin ka dun o kung may ka-date ka:  1) tipid sa pamasahe o gasolina 2)  enjoy kang maglakad dahil along the way, madaming small shops or small chats (meron at meron ka kasing makakasalubong na kakilala sa session road, hehe), and 3) nag-e-exercise ka ng mo namamalayan, so no effort na, free pa!  O di ba?! :)

(b)  Puro packaged food! 

Mas gusto ko sa aking 3rd world country, da Philippines.  Kahit sabihihin mong wa-class and behind sa teknolohiya at anupamang modern ways of living, mas fresh naman ang pagkain.  Dito sa Tate, ang karne at isda puro naka-package!  Malay mo pa kelan kinatay yun.  Or mukhang fresh nga pero sabi nila ininjectionan lang ang mga yun ng pampakulay upang magmukhang sariwa (hehe, akala mo Pinoy lang ang marunong mameke ha).  Sa Pinas, kaninang umaga lang pinarte ang manok o kinatay ang baboy.  At ang mga isda, buhay at tumatalon-talon pa.  Ang gulay dito, ok lang naman pero kung hindi limitado sa klase, mapapanganga ka naman sa presyo, lalo kung organic-achuchuchu!  So yan, di na alam kung anu-anong klase ng preservatives ang nasa katawan ko ngayon, sigh.

3)  GAWA NA NAMAN BA NG AMERIKA YAN?

Tubig kaya?

Sobrang lupit kse ng tubig nila dito kaya nga super-uso ang moisturizers dahil matutuyo balat mo pag hindi ka gumamit nyan.  Pero potable naman daw ang tap water (kahit declared ang arsenic contents, yay!).

Shampoo kaya? 

Palibhasa pang pekeng-kulay ang mga ka-shampoo-han dine.  Nandyang ngayon ang buhok e blonde, bukas brunette, sa susunod na bukas e red, sa sususnod na linggo pink, sa susunod na buwan e orange, then next e multi-colored na.  Hmm, baka nga yung shampoo, kaya namumuti ang buhok ko … baka napagkamalang ala-storm of X-men ang kulay ng buhok ko kaya may-i-turn-whitish na sya, yikes!

Oh well, tama na nga at baka sa kaiisip o kaka-analisa e lalong mamuti lahat ng aking kabuhukan.  Tingin ko naman nakikiayon lang siguro ang aking buhok sa aking kinalalagayan – namumuti palibhasa’y nasa daigdig ng mga puti, ahahahah!

Ayan, nahawa na din ako sa kanilang kakornihan. Istapet. :)

November 16, 2009

Hello world! Lola Sufing po, nagpupugay! =)

Filed under: Uncategorized — lolasufing @ 2:30 am
Tags:

Sa wakas, nakapag-rehistro din dine.  Makakapag-umpisa na akong magkwento ng mga walang-kwentang bagay, hehe.  Hindi mahalaga kung may magbasa o wala, ang importante ay makapag-emote, este, makapagsulat.  Hanggang dine na muna at kasalukuyang kumakana ang aking paboritong football team, ang magiting na Indianapolis Colts =)  Hanggang sa muli …

 

Blog at WordPress.com.